Wednesday, April 1, 2009

Ulan (Sa pananaw ng na-disable ng stroke)



Pagbuhos ng ulan
sila’y nagtatakbuhan;
Pag-ihip ng hangin,
sila’y kumakapit,
lumulukso at baka mahagip
ng tilamsik ng putik;
Kumakaway para pansinin
ng jeepney o taxi
habang bitbit ang pinamili.

Iniiwasan nila ang mabasa,
madulas, o kapitan ng dumi.
Ngunit sa akin, mas mahalaga
ang lukso, kaway, kapit.

No comments: