Wednesday, June 22, 2016

Albus


This is Albus, a very loving Ragdoll who, like any kitten, loves companionship and play. He is born on Jan. 7 with two siblings. When people took his siblings to their homes to lead better lives, he had at least two younger persian kittens and one stray left to play with. Then one by one his playmates moved to good homes, too, leaving Albus alone. When I see him looking forlorn like this, it breaks my heart. Of course I don't feel so good whenever a kitten moves to other homes, but I have come to term with this fact of life: Leaving is not so bad if the destination is a happier life. Every father learns this at his daughter's wedding day -- that no love is lost and life moves forward.

When I see Albus alone, silent, with no playmates no tumble with, my human problems, no matter how deep, diminish and are replaced with just one wish -- that this lonesome kitten gets a better shot at life's bounties. If there is kismet, I hope someone out there with the capability to make a kitten smile and purr with delight meets Albus. Full of trust, Albus purrs when we hold and stroke him. Certainly I will be sad when Albus leaves this home, but I will be consoled that he will not be alone anymore. I'll be all right if in his memory I'm replaced by a loving companion.

I quote Christina Rossetti about leavetaking, whether it involves human sweethearts or kittens that I love:
"Better by far that you forget and smile,
Than that you remember and be sad."

Tuesday, June 21, 2016

Duterte's blind side

This must be taught in schools
Very very few people know that my birthday is celebrated every week, and that I believe heavily on gift receiving, even without twisting of arms or shameless reminding.

Popular Bookstore ran out of stock of the Raissa Robles book (1st photo), so I'm looking for it as a weekly birthday present (wink! wink!) to me, which does not mean I'm forking out the cash, after asking wifey to buy the two books shown in Photos 2 and 3. What are reminders for?


So I have two books about Martial Law at hand and I currently lack the Robles book. Meanwhile I'm reading Primitivo Mijares' "The Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos", which is being offered free in eBook form online, to refresh the memory of old people like my friends -- who had experienced the censorship, terrors and murders of the New Society -- and to teach millennials, like me, and this generation's dumb voters who voted for all Marcoses last May. Why not read the new books you bought, you may ask, and the answer... umm, it fell to earth I know not where.

During the election I rooted for Duterte and cursed Binay and Roxas for trying to impose their incompetence on this unfortunate country, which allowed the birth of Mariano Marcos (shot by guerrillas as a spy of the Japanese invaders), who begat Ferdinand, who with Imelda and cronies plundered our resources. Then they were ousted in 1986 with their begotten gremlins Bongbong, Imee, and Irene. After Duterte won, I began pulling roots, after he declared his fealty for the Marcoses. Part of his priority now is to pay his debt of gratitude to the Marcos clan, whom he said took care of his father and him even while the Marcoses looted the coffers, closed tne media, tortured and killed thousands of activists, and borrowed so much from foreign institutions that we, in this year 2016, are still paying for what the Marcoses, Romualdezes, Benedictos, Tantocos, et al. had hoarded, splurged, and hidden. 

Now I'm preparing for the dire results of Duterte's inconsistensy and contradictions. He has, even before the beginning of his term, started purging the system of its entrenched drug lords and crime kingpins. How he hates drugs. Me too, except my maintenance tablets. He says "Stop it!" to crime. Yey! He will bury Marcos in the Libingan ng mga Bayani. Huh?! Ok, he's not a hero, Duterte concedes, but he was a soldier. Now I want to know Duterte's birthday, so I can give him Mijares' book. That book reveals that Marcos was hunted by guerrillas, who wanted to execute him as a collaborator. Not a soldier at all, the book said, but as a buy-and-sell man during the Japanese Occupation. Possibly a traitor. Ferdinand and Imelda spawned Ferdinand Junior -- or Bongbong, who will certainly try to wrest the vice presidency from the duly elected Leni Robredo. 

Duterte has already instituted a lot of changes. For the first time in Philippine politics, the vice president will be given no tangible post as part of the administration -- because Bongbong's feeling will be hurt. Another first is that the president-elect and the VP-elect will hold their inaugurations separately, because Duterte wants it that way. Maybe he cannot have both Bongbong ang Leni together in the inauguration ball?

Duterte feels he has a debt of obligation to the biggest family of crooks ever, but why oh why, like that fool Noynoy to Purisima, must the country pay for Duterte's debt? We are still paying for the Marcoses' debt! A consolation is that the dumbos who voted for Imelda, Imee, and Bongbong have joined the old timers in paying debts incurred long before they were born. This early we are reaping the fruits of our elected leader's contradictions. When there are two opposing sides, one side will falter in the long run, and Duterte, who purportedly hates criminals who destroy our society, is on the side of the biggest looters of resources and of the killers of thousands of dissenters. What strange bedfellows you have, Mr. President. May fate be kinder to this unfortunate land.

 

Monday, June 6, 2016

Boss Joe

Joe Burgos, mas mainam pa sa mga panggulo ng Pilipinas
Boss, pinili namin ang putanginang Duterte dahil di ko alam na mas mahal niya ang mga Marcos kaysa sa mga tapat na mamamahayag na tulad mo, na sa panahong mapanganib ang isiwalat ang totoong kalagayan ng bansa, sa ilalim ng kamay na bakal, ay sinimulan mo na ang pagbaklas sa tanikalang sumisikil sa kalayaan at disenteng pagka-Pilipino. Ngayon ay nananaig ang paglait sa mga kapatid sa trabaho dahil pikon si Duterte at ginagawang ehemplo ang corrupt nating mga kasamahan para lagyan ng uling ang mga tapat, masigasig, at naghahayag lang ng kabulastugan nitong probinsiyanong lumaki na ang ulo hindi pa man nakaupo sa puwesto.

Pero relax ka lang diyan, Boss, dahil kung ang kaibigang Marcos ni Duterte, na berdugo rin, ay hindi inurungan ng mga tapat na journalists noon, ito pa kayang nagbabadyang bagong diktador. Killer nga pero tiyani bandang huli yan.


Parang di alam ni Duterte na maraming anyo ang corruption: hindi pera-pera lang, na inihahagis niya laban sa media; meron ding corruption ng moralidad -- kawalan nang galang sa magandang asal (buksan mo ang balita sa TV at maririnig ng mga bata sa bahay na nagmumura ang putanginang magiging panggulo ng bayan), kabastusan sa mga babae, pagmura sa pinatay na corrupt journalist (dahil kritiko niya sa Davao) at pinabayaan na lang yung pumatay kahit kilala niya. Hindi lang droga at pangungurakot ang salot sa bayan. Ang pag-unlad nang nga mamamayan sa disenteng lipunan ay ankla ng tunay na pag-ahon, hindi pagbaba sa imburnal ng buwang na Duterte.
Ang ganda ng mga sinasabing gagawin ni Duterte. Talagang hahanga ka pag naniwala kang malakas ang malasakit niya sa mga maralita, sa mga inaagrabyado, sa mga niyuyurak ng pamahalaan. Pero gising na ang ilan sa amin -- parang nakabasa kami ng We Forum sa panahong hanga pa ang karamihan sa pagbabagong pangako nitong Duterte, parang nung hanga pa ang mga magulang sa disiplinang idudulot daw ng Martial Law.


Ang We Forum ang naglatag ng daan para sa pamamahayag na tapat at kontra sa diktaturya, kaya nung pinatay si Ninoy, nag-usbungan ang mga ibang pahayagan -- Mr & Ms Special Edition na sa unang pahina ay lumantad ang litrato ng duguang mukha ni Ninoy. Pumalag din ang Malaya, kapatid ng We Forum; lumakas ang loob ng WHO at Business Day. Sa paglilitis ng 25 sundalong inakusahang pumatay kay Ninoy, inilunsad ng founder ng Mr & Ms Special Edition, Eugenia Apostol (at Editor Letty Magsanoc), ang weekly tabloid na Philippine Inquirer para ituon ang pansin ng mga tao sa pangyayari sa korte. Sa 1986 ang tabloid ay naging Philippine Daily Inquirer, na hanggang ngayon ay kinaasaran ng mga presidenteng gumagawa ng kabulastugan at nahahayag sa pahayagan at balita sa TV channels. Ang mga asar na presidente: Marcos na ipinasara halos lahat ng mga diyaryo at TV stations, puwera sa tatlong crony papers (Daily Express, Philippine Journal ni Kokoy Romualdez, at Manila Bulletin ni Emilio Lim); Cory Aquino, na tulad ng sinto-sintong anak na si Noynoy, ay pikon sa sa masamang balita kahit totoo; Gloria Arroyo; at ngayon, na tila susunod sa yabag ng matalik na kaibigang Marcos, Duterte, berdugo ng mga drug lords (okay lang) at berdugo ng pamamahayag na hindi sipsip sa kanya ngunit totoo.


Hanggang ngayon ay nawawala pa ang anak mong si Jonas, Boss. Dinampot siya ng militar ni Gloria at hanggang ngayon ay kasama sa libo-libong desaperidos ng Martial Law ni Marcos, na pinayagan ni Duterteng ilipat at bangkay sa Libingan ng Bayani. Ang marching order ni Duterte sa mga tauhan niya, tutukan ang kriminalidad at corruption. Gandang pakinggan, pero hindi tugma sa gawa. Gagawin niyang bayani ang isa sa pinakamalaking mamamatay-tao at mandarambong sa kasaysayan ng napakaabang bayan na ito.


Ang daming mabulaklak na pambobola ang iniitsa ni Duterte sa tulog na namang madla, kaya di napapansin, o ipinagtatanggol pa, ang lason ang kanyang mga gawain. At, tulad ng dati, binubugbog ang tagahatid ng masamang balita.


Pero kaya natin ito, Boss. Ano ba naman ang sangganong Duterte sa agos ng kasaysayan at katotohanan? Bullet day, Duterte -- Balang araw...

Panggulong Dodirty

Painting by Fernando Amorsolo
Ang ganda ko, ano? Kinuha akong modelo ng pintor na si Fernando Amorsolo. Una mong mapapansin ay yung dala kong mga manggang hilaw; susunod ay mapansin mo yung dimples sa maamo kong mukha. Pero putangina naman, sino ba yung naka-checkered na matandang ang lakas sumipol pagdaan ko? Ang buwang, hindi sa mangga nakadikit ang tingin. Gilit lang yung maliliit na mata, pero hanep kung hubaran ka sa tingin.

Mabait naman daw, sabi ng isang ale, kung di nakasumpong ang pagkamanyakis at pagkaberdugo. "Bilib it or nut," sabi ng ale, "yan ang susunod na panggulo ng Pilipinas. Dininig ang iyong panalangin, iha, na mawala na sa eksena ang autistic na si Abnoy!"

Mamumura ko ang mga pari at obispo sa diskarteng ito -- aalisin nga ang sinto-sinto, papalitan naman nang mas malala ang topak. Nung panggulo si Gloria inip na inip ako at gusto ko siyang mawalis sa upuan, by coup or by tiris, dahil siguradong wala nang mas grabe sa unanong ito. Kaya tuwang-tuwa ako nang parang sisiw na sumipot si Penoy. Nang nabistong kulang ang palito sa ulo ang buwakanangina, sabi ko, ang lupit ng tadhana sa Pilipins my Pilipins. Pero imposibleng may malala pa sa panot na ito. At -- tsaran! -- nasilip yung sipolpol na Dodirty raw ang pangalan. Change is coming daw! Pero naman naman! Anong klaseng sukli itong dumarating: Di pa nakaupo ang laki na nang ulo, arogante, bastos, bully sa hindi kayang lumaban. Siya ang tanging nilalang na dahil sa kanya nanaisin mong manalo ang mga drug lords para maasar lang siya. Mistulang banal mismo si Satanas kung ihambing sa matulis na ngusong manyakis na yun. Sasabihin ko sanang may problema ang mama kaya laging nakangising aso. Pero ano naman ang kasalanan ng aso para insultuhin ito?

Anyway, laging galit sa mundo itong mama kaya di mapakali, kamot nang kamot; ba't di kasi maligo para at least may masabing malinis sa kanyang nilalang kahit hindi ang utak. Laging hinihimas yung isang pisngi. Minsan parang sinasalo niya at baka malaglag at di na siya makasipol. Malaglag na nga sana!

Lahat ng tao may malalim na lihim, pero sa kilos, ugali, at OCD nito, huwag sanang mapinsalang lubos ang bansa sa halimaw na ito. Sige, pabahain niya ng dugo ng mga drug lords ang ating lupa; sige, magsabog siya ng binhi nang pagkasuklam sa mga ayaw sumunod sa kanya, pag-awayin niya ang mga Pilipino, pero putangina lang ang walang ganti. Kahit major-major na buwang itong uupo, marunong namang magbasa. Minsan, nung may pag-asa pang palitan ang turnilyo ng kukote nito 60 years ago, nabasa niya ang isang aklat -- na laging ring binabasa ng minura niyang si Pope Francis, mga pari, obispo, kasama na ang buong relihiyon na marahil di niya kinagisnan sa tahanan -- ang isang babala: Kung anong itinanim, siyang aanihin.

Harinawa. Putangina naman kung walang sukli.