Friday, September 20, 2013

Pasada



Nanonood kami ni Leena ng Pawn Stars.

Pogi: Bakit wala atang Chess set sa mga pawn shop?

Leena: Wala namang kikitain sa Chess. Ano naman ang gagawin ng Chess set sa sanglaan?

Pogi: Chess lang ang alam kong may pawn. Ba't tatawaging pawn shop kung walang pawn?

Leena: Malay mo, may ibang ibig sabihin ang pawn, at hindi lang yung sa Chess. For example, meron ding horse sa Chess.

Pogi: Knight ang tawag doon. Rook yung tore.

Leena: Eh yung Queen, ano'ng ibang tawag doon?

Pogi: Pag galit sa kanya yung King, ang tawag sa kanya ay "Bitch."

Leena: Sonnamabitch naman yung hari pag galit si Queen.

Pogi: Sssh... Baka marinig ka ni Bishop. Kahit tagilid ang lakad nu'n malakas ang pandinig.

Leena: Naalala ko, ano na ang balita kay Pope. Bakit kaya nag-resign?

Pogi: Baka matse-checkmate na siya.

Leena: Hindi yun! Yung balita sa Vatican.

Pogi: Ah, yun... Palagay ko alam ko yung tunay na dahilan.

Leena: Talaga? Hindi yung edad niya?

Pogi: Malamang ang theory ko ang tama. Di ba hiwalay na si Kim Kardashian sa slightly used niyang asawa?

Leena: Ano'ng kinalaman ni Kardashian kay Pope?

Pogi: You know, binata si Pope -- Just call me Benedict na lang siya starting March 1 -- at single na naman si Kim Kardashian. Pagtugmain mo lang ang mga current events at may Therefore may I conclude ka na, di ba?

Leena: Aysus! Di ka pupunta sa langit sa mga pinagsasabi mo, baka hanggang Lhuiller ka lang. Di ka pa tutubusin hehehe...



2 comments:

Yami said...

Funny conversation sir Pogi although di ko ma-gets yung iba hehe coz I don't play chess. :D

William Pogi Chua said...

Hi Yami,

Yung Bishops sa Chess diagonal along the board ang takbo, etc.

Ala lang magawa habang nanonood kami ng Pawn Stars, kaya...

:-)