Showing posts sorted by relevance for query Salome. Sort by date Show all posts
Showing posts sorted by relevance for query Salome. Sort by date Show all posts

Sunday, October 11, 2009

Salome


Si Salome, kasintahan ni Elias, ay nawala sa “Noli Me Tangere” nang kaltasin ni Rizal ang kabanatang saan siya binigyang buhay. Mababasa ang detalya tungkol sa nawawalang kabanata at ang kabanatang “Elias at Salome” mismo sa http://tl.wikipedia.org/wiki/Elias_at_Salome#Tingnan_din



Una kong nabasa itong obra ni Ms Joi Barrios tungkol kay Salome nu'ng 1991,
at hanggang ngayon ay matindi pa ang hatak nito sa akin. Lumukso ang aking
puso nang bigyan ako ng permiso ni Ms. Barrios na ilagay ang tula niya dito sa
aking blog. Na-contact ko siya sa http://joibarrios.blogspot.com/



Kay Salome, ang tauhang hindi napabilang
sa “Noli Me Tangere”


Ni Joi Barrios



Lagi na’y nakaabang ka sa iyong durungawan
tuwing sumasapit ang dapithapon, Salome.
Waring ritwal ang laging pag-antabay
sa pagdating ng kaibigang tulisan.
Bago lumubog ang araw,
nakaupo ka na sa may pasimano,
inaabala ang kamay sa kung anong gawain,
habang ang mga mata ay nasa lawa,
tuwing makalawang sandali.

Ay, Salome.
Bawal sa mga babae ng iyong panahon
ang pamimintana.
Ito’y pahayag ng pag-anyaya,
parang kamison
na sumisilip sa balikat,
o sakong na dumudungaw
sa laylayan ng saya.

Ang pagtanaw sa lansangan
ay paghangad ng mga bagay
sa labas ng tahanan,
sa panahong and daigdig na babae
ay sala, silid, kusina
at ang tanging pangarap
na pinahihintulutan
ay maging asawa at ina.
Ang batas na ito ay eskapularyong
laging nakalapat sa dibdib
sa paggising at pagtulog
at pamaypay na lagi nang nagkukubli
sa iba pang lihim na hangarin
na maaaring mamutawi sa labi.

Ngunit lagi na’y nakaabang ka
sa iyong durungawan
tuwing sumasapit and dapithapon, Salome.
Kasinghaba ng buhok mong nakalugay
ang paghihintay.
Nakikipagkaibigan ka sa pagkainip
sa bawat hiblang sinusuklay.
Habang inaalo,
ang pusong nagpasyang magmahal
sa isang lalaking walang maipapangakong
singsing, tahanan o mga supling.

Kasingtalim ng munting karayom
na gamit sa pagsusulsi
ang takot na kumukurot sa puso
tuwing kumakagat ang dilim
at wala pang bangkang tumatawid sa lawa.
Nakikipagtalo ka sa pangamba
pagkat ang isipan
ay patuloy sa paghabi
ng kung anong masamang pangyayaring
maaaring maganap sa kaibigan.

Habang inaalo,
muli at muling inaalo,
ang pusong nagpasyang magmahal
sa isang tulisang laging hinihiram
sa kanyang digmaang ipinapaglaban.

Ay, Salome.
Kinakailangan mong mamuhay at magmahal
nang higit sa iyong panahon.
Kaya’t binuksan mo ang durungawang
ipinipinid ng iba.
Sinukat mo ang pag-ibig
hindi sa pamamagitan ng kasal
na may basbas ng langit
kundi ng pag-iisang dibdib
na binibigyang katuparan
ng pagniniig ng puso at diwa
at dugo at laman dito sa lupa.
Nangahas kang bigyan ng kahulugan
ang mga salitang
pag-ibig, tahanan, pagkababae.

Kaya’t wala ka man sa mga pahina
ng nobelang dinakila,
hindi man ikaw
ang tinanghal na halimbawa
sa mga dalaga ng iyong lahi,
lalagi ka sa aming alaala.
naghihiwalay sa atin
ang iisang pangarap:
ang makamit ang kalayaang magtakda
ng sariling buhay
sa anumang panahon.


Ang "Salome..." ay isa sa mga tula sa libro ni Joi Barrios, Ang Pagiging Babae Ay Pamumuhay Sa Panahon Ng Digma.

Tuesday, February 28, 2017

Noli 2017


Found this book while searching for another; dropped the search and started to read this Filipino version by Virgilio Almario. Now I know why I found it so easy in high school: we had skipped many tedious chapters, mostly about religious and philosophical digressions, and pedantic quotes going back to Roman orators and classical writers. Now, although my interest remains strong, I just wish I don't find it too hard going through narrations of tepid protagonists and wilting young ladies manipulated by murderous priests and ugly harridans. After a chapter or two I have to put the book down for a while, to stop my head whirling through 130 years of events. Rizal finished writing this novel at 11:30 p.m. of 1886 February 21. I put down a modern, translated copy for a while, and Silver uses it as a pillow. My rest is extended.

Tentatively titled "Sampagas," 2000 copies came off the press on March 29, giving this country the most famous Latin phrase ever: Noli Me Tangere. He gave the first bound copy to his friend, Maximo Viola, who defrayed the P300 needed to publish Rizal's first novel. A sequel would follow a few years later, after his family, along with other tenant-farmers, was evicted from Calamba. He did not get the chance to finish a third book he had started because he was executed 10 years, six months, seven hours and 34 minutes after the Noli was born.

Noli Me Tangere was derived from John 20:17, wherein Christ, just resurrected, told Mary Magdalene, who was searching for him and found his tomb empty, "Touch me not, for I have not yet ascended to my Father..." Almario's version, like most modern translations, resurrected the "missing chapter" in Rizal's original, Spanish edition. Lacking fund in 1886, Rizal decided to omit what would have been Chapter 25, which introduced Salome, the woman the fugitive Elias loved. Salome lived alone in a hut in a remote corner of the forest, always pining and hoping that her man would return to her safely. It was not be, just as Juan Crisostomo would lose Maria Clara, just as Rizal lost Leonor, just as the Filipinos would lose their revolutions and, up to now, would be searching for leaders in high office who would not betray them. Until then we search for the touchstone of salvation.



What Rizal saw