Monday, March 20, 2017

Like kita c",)


Na-unfriend ka dahil di mo gusto si DU30? DE5? Leni?

Nakikita ba nila yung mga "Likes" mo para sa kanila? May bigat ba yung pagsang-ayon mo o hindi sa ejk, death penalty, sovereignty? FYI: Hindi sila nagbibilang ng Thumbs-up o 😡 kung may oras man silang mag-FB.

Mas matimbang yung likes ko sa post mong puro prayers, dahil kahit hindi ako nagsisimba ay ayos ka pa rin sa akin (at ako naman ay parang krus na pasan ng Friends file mo). Hindi kita ipagpapalit sa sampong Duterte o Pacquiao o Lacson. Pero baka kay Leni (napansin din ni Digong ang legs niya ha)... *Jokes!*

Einiwei, kung happy ka kay Trump, kahit na kay Kim Jong Un, okay na rin ako. Ang natatandaan ko lang, nung nasa ilalim ako ng gulong ng buhay ay nandoon ka at umalalay sa akin. Isang "Like" lang ang bilang ko, pero higit pa sa libo-libong likes na ibinibigay mo sa kanila.


No comments: